-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa ng Cotabato City local government unit (LGU) ang mga health protocols nito kasunod ng paglagay ng kanilang estado sa red alert status.

Ito’y dahil maaaring nakapagtala ang lungsod ng local transmission ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon ay puspusan na ang isinasagawang contact tracing ang isinagawa ng City Health Office upang matukoy ang posibleng mga suspected cases sa siyudad.

Maging ang mga health workers ng Cotabato Regional Medical Center (CRMC) ay binabantayan rin sa posibleng pagpapakita ng sintomas ng naturang karamdaman.

Kung matatandaan, inilabas ni Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang Executive Order 356 kung saan maaari lamang makapasok sa lungsod ang mga indibidwal na mayroong certificate of acceptance mula sa kani-kanilang mga barangay.

Ayon kay Mayor Sayadi, karamihan umano sa mga nagpositibo sa CRMC ay hindi residente ng Cotabato City.