Binigyang diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang Cotabato Airport at General Santos Airport ay walang naitalang pinsala sa kanilang mga pasilidad matapos ang magnitude 5.3 na lindol na yumanig sa Maitum, Sarangani.
Ayon sa CAAP, ang mga tagapamahala ng parehong paliparan ay agad na nag-assess at nag-inspeksyon sa mga istraktura at nakumpirma na walang anumang malaking pinsala sa mga gusali ng terminal at iba pang pasilidad ng paliparan.
Dagdag nito, na ang General Santos Airport ay nagpatuloy sa normal na operasyon na parehong bukas at ganap na gumagana ang terminal at runway nito.
Ang Cotabato Airport, gayunpaman, ay nanatiling sarado para sa maintenance mula Hulyo 6 hanggang Agosto 18, tulad ng nakasaad sa notice to airmen (NOTAM) na inilabas nito para sa kaalaman ng mga stakeholder.
Ayon sa CAAP, ang pagsasara ay dahil sa patuloy na pag-overlay ng aspalto at muling pagpipinta ng mga marka ng runway.
Sa panahong ito, ang paliparan ay hindi magpapatakbo ng fixed wing aircraft at walang komersyal na flight ang matatanggap.
Una na rito, nagbabala ang DOST na mga posibleng maranasan na aftershocks sa lugar.