-- Advertisements --
image 214

Naniniwala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry(PCCI) na malaki ang papel ng korupsyon sa Pilipinas sa lalo pang paglobo ng inflation.

Sinabi ni PCCI vice president Perry Ferrer na isang porsyento hanggang isa’t kalahating porsyento ng 6.1% inflation rate na naitala nitong Setyembre, 2023 ay dahil sa impact ng korupsyon.

Paliwanag ni Ferrer, ang pag-angkat ng bigas, asukal, produktong agrikultura at iba pa, ay ang pangunahing dahilan ng mabilis na pagtaas ng presyo.

Sinasamantala aniya ng mga smugglers ang ganitong sitwasyon, at lalo pang nagpupuslit ng mga produkto, nang hindi namomonitor ng pamahalaan.

Ayon kay Ferrer, ang papel ng mga smugglers, kasama ang sinumang tumutulong sa kanila, ay ang nagdadagdag ng hirap sa mga konsumer sa Pilipinas.

Una nang iniulat ng pamahalaan na umabot sa 6.1% ang inflation rate sa bansa nitong nakalipas na buwan. Ang pagtaas ng inflation ay sa likod ng price cap na ipinatupad ng pamahalaan sa presyo ng dalawang klase ng bigas.