Nagpapakita na ng magandang resulta ang mahigpit na pagpapatupad ng social distancing ng dalawang estado sa United States na lubha ring naapektuhan ng coronavirus outbreak.
Ito’y matapos makakita nang pagbagal sa infection rate ng mga taong dinapuan ng COVID-19 sa Washington at Oregon.
Nanatili namang positibo ang dalawang estado na unti-unting babalik sa normal ang buhay para sa mga taong naninirahan dito.
“We are cautiously optimistic that what we’re doing is working,” saad ni David Bangsber, dean ng Oregon Health and Sciences University-Portland State University School of Public Health.
Nakapagtala ngayong araw ng panibagong 298 na kaso ng coronavirus ang Washington dahilan upang pumalo na sa 8,682 ang kabuuang total ng kaso ng sakit sa naturang estado.
Habang 49 naman ang nadagdag sa kaso ng coronavirus sa Oregon kng kayat mayroon na ito 1,181 confirmed cases.