-- Advertisements --

Target ng prosecutors mula sa International Criminal Court (ICC) na simulan sa buwan ng Nobyembreang pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iminungkahi nila na maaring gawin ito sa Nobyembre 30, 2026 dahil inaasahan nilang matatapos ang lahat ng mga hakbang sa pre-trial ng hanggang Setyembre 30.

Sa nasabing petsa ay mabibigyan pa ng pagkakataon ang mga prosecutors na ibasura ang kanilang disclosure at ilang pre-trial na hakbang.

Maiiwasan din ang anumang aberya na lalabas na siyang magdudulot ng pagkaantala ng nasabing pagdinig.

Isinagawa ng ICC Trial Chamber III ang anunsiyo bago ang unang status conference ng kaso sa darating na Mayo 27.

Ayon naman sa panig ng dating pangulo na ang nasabing petsa ay dedepende rin sa determinasyon ng Trial Chamber sa kalusugan ng dating pangulo kung ito ay makakadalo sa pagdinig.

Magugunitang nakapiit ang dating pangulo sa ICC sa The Hague dahil sa kasong crime against humanity mula sa madugong drug war.