-- Advertisements --

Umabot na ng halos 240,231 katao ang namatay sa buong mundo dahil sa 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.

85% sa mga nasawi ay mula sa Europa at Estados Unidos.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 3,371,435 coronavirus cases sa buong mundo.

Pinakamatinding naapektuhan ang kontinente ng Europa dahil nasa 141,475 katao na ang naitalang patay mula sa 1,516,635 kaso ng virus.

Nananatili namang nangunguna ang Amerika sa mga bansang may pinamataas na bilang ng mga namatay kung saan naitala na rito ang 67,444 deaths, Italy (28,710), Britain (28,131), Spain (25,100), at France (24,760).