-- Advertisements --

Bilyon-bilyong mamamayan ng India ang pinakiusapan na huwag munang lumabas ng kanilang mga bahay sa loob ng 14 hours para labanan ang coronavirus pandemic.

Ipinag-utos ito ni Prime Minister Narendra Modi noong nakaraang linggo kung saan ang hakbang na ito ay para umano i-assess ang kakayahan ng naturang bansa na labanan ang virus.

Hinikayat ni Modi ang kaniyang mamamayan na manatili lamang sa kanilang mga bahay simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Sa ngayon, mayroon nang 315 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

“Let us all be a part of this curfew, which will add tremendous strength to the fight against Covid-19 menace. The steps we take now will help in the times to come,” pahayag ni Modi sa kaniyang twitter account.