-- Advertisements --

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagsasagawa ng Miss Universe Philippines coronation event mula Setyembre 26 haang October 1.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang coronation para sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ay isasagawa sa Henann Resort Convention Center in Panglao, Bohol.

Pero sinabi ni Roque na nakasasalay pa rin sa host province ang pagsasagawa ng event dahil subject pa rin ito sa mahigpit na health at safety protocols.

Kung maalala nasa 28 candidates sa buong kapuluan ang sasali sa kompetisyon sa Miss Universe Philippines edition ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Para sa pre-final activities, narito ang schedule ng Miss Universe Philippines Organization:

September 23, National Costume

September 24, Preliminary Interviews

September 26, Preliminary Swimsuit and Evening Gown

September 29, Last day of voting