-- Advertisements --
Inilipat na ang petsa ng gaganaping coronation night ng 57th Binibining Pilipinas.
Ayon sa Bb. PIlipinas Charities (BPCI) na gaganapin na lamang ito sa Hunyo 27, 2021.
Hindi na ito natuloy noong Abril 26, 2020 dahil sa ipinatupad na nationwide lockdown bunsod ng maraming kaso ng COVID-19 .
Nitong Enero 2021 ay inanunsiyo nila na gaganapin na lamang ito sa Abril 17, 2021.
Mayroon kasing apat na beauty titles ang paglalabanan ito ay ang Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental at Bb. Pilipinas Globe.
Tiniyak ng organizers na mahigpit silang susunod sa ipapatupad na health protocols ng gobyerno.