Naitala nitong Biyernes, Hulyo 31, 2026, alas-3:38 ng hapon, ang pagbaha sa ilang pangunahing kalsada sa Quezon City at Mandaluyong City matapos ang malakas na buhos ng ulan.
Sa Quezon City, kabilang sa mga binahang lugar ang EDSA Vertis North NB, EDSA Main Avenue NB, EDSA Kamuning on ramp SB, EDSA Kamuning Service Road SB/NB, Elliptical East Avenue, Elliptical Road corner East Avenue Inner Lane, Araneta corner E. Rodriguez Sr., E. Rodriguez-Araneta, EDSA Dario SB, at EDSA Monte SB.
Sa Mandaluyong City naman, binaha ang EDSA Ortigas Service Road SB, EDSA Highway 54 Mall SB, EDSA Shaw Split NB, EDSA after Ortigas Flyover SB, F. Ortigas Street corner Boni Avenue, at EDSA Shaw Tunnel NB.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga kalsada ay umabot sa gutter-deep na baha na tinatayang nasa walong pulgada, habang ang ilan ay half-gutter deep o apat na pulgada.
Gayunman, nanatiling passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga naturang kalsada.
Patuloy na pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa mga binahang lugar.
















