Mananatili sa dating schedule na 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon tuwing Lunes hanggang Miyerkules ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senador Erwin Tulfo.
Sa nakaraang pagdinig, umapela si Senador Migz Zubiri na gawin itong 10:30 AM hanggang 3:30 PM upang mabigyan ng mas mahabang oras ng paghahanda ang mga senador bago magsimula ang paglilitis.
Gayunman, hindi napagbigyan ang naturang panukala matapos igiit ni Senador Panfilo Lacson na manatili sa orihinal na oras na 10 AM hanggang 3 PM.
Binigyang-diin ni Lacson na ang kasalukuyang oras ay sapat na upang maisagawa ang mga presentasyon ng ebidensiya at testimonya nang hindi naaantala ang daloy ng paglilitis.
Mainam din umano ito para iwas sa bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
















