-- Advertisements --
COPE THUNDER

Umarangkada na ngayong linggo ang Cope Thunder Exercises 23-01 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PAF Spokesperson Col Ma. Consuelo Castillo na kahapon, Mayo 1, ay nagsimula na ang naturang pagsasanay na magtatagal hanggang Mayo 12, 2023 na nilahukan naman ng nasa 160 service members ng US Air Force, at 400 airmen mula sa iba’t-ibang unit ng Philippine Air Force.

Ito ay sesentro sa Air to Air Operations at Subject Matter Expert Exchanges na kabibilangan din ng Mission Planning Cell kung saan pag-aaralan ng mga itoa ng planning at coordinating ng integration ng iba’t-ibang mga aircraft at execution ng Defensive Counter Air, at Offensive Counter Air operations.

Aniya, ang unang linggo ng nasabing pagsasanay ay tutuon sa Defensive Counter Air operations, habang ang ikalawang linggo naman nito ay sesentro sa Offensive Counter Air operations.

Layunin ng naturang execise na mabigyan ng oportunidad ang PAF at Pacific Air Force na mas maphusay pa ang kapabilidad at kahandaan ng dalawang hukbo laban sa mga potential threats na posible nitong kaharapin sa hinaharap.

Unang inilunsad ang orihinal na Cope Thunder exercises noong taong 1976 at taunang ipinagpatuloy hanggang sa taong 1990.

Ang isinagawang Cope Thunder exercises 23-01 ngayon ay ang muling pagbuhay sa nasabing bilateral exercises sa pagitan ng dalawang Air Forces matapos na matigil ito ng nasa mahigit vtatlong dekada.