-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng Rain or Shine sa kamay ng Converge FiberXers 102-101 sa nagpapatuloy na 2022-23 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Itinuring na bayani sa panalo ng Converge si Justine Arana ng maipasok ang game-winning shot sa oras na 15.1 seconds ng laro na mayroon itong kabuuang 16 points at pitong rebounds.

Nanguna sa panalo si Jeron Teng na nagtala ng 20 points habang si Quincy Miller ay mayroong 19 points.

Nasayang naman ang ginawang 25 points at 10 rebounds ni Ryan Pearsons para sa Rain or Shine.