-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Converge FiberXers ang Blackwater 98-90 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.
Nanguna sa panalo ng Converge si Maverick Ahanmisi na nagtala ng 31 points habang mayroong 19 points si Jamaal Franklin at 17 points si Jeron Teng.
Sinabi FiberXers coach Aldin Ayo na marami pang mga adjustments ang kanilang dapat gawin para magtuloy-tuloy ang kanilang panalo.
Dahil sa panalo ay mayroon ng anim na panalo at dalawang talo ang Converge.
Habang ang Blackwater ay mayroong isang panalo at walong talo.