-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang researchers sa positibong epekto ng contact tracing applications, kahit kaunti lang ang gumagamit nito, para matuldukan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Lumabas sa pag-aaral ng researchers sa Google at Oxford University na maaaring mapababa nang 15% ang infection rate sa COVID-19 ng populasyon na may 15% din na gumagamit ng app, na may sapat na contact-tracing staff.

Ayon sa statistical modeling ng Alphabet Inc. unit at Nuffield Department of Medicine ng Oxford, maaari rin nitong mapababa ng 11% ang death rate sa sakit.

“With a 15% uptake of contact tracing apps alone, the researchers calculated an 8% reduction in infections and 6% reduction in deaths,” ayon sa artikulo ng Reuters.

Ang naturang findings ay bunga ng datos mula sa isang digital tracing system na kahalintulad nang dinevelop ng Google at Apple Inc.

Sa pamamagitan ng nasabing application, ginagamit ang Bluetooth signals para matukoy kung ang isang tao ay nagkaroon ng close contact sa COVID-19 confirmed case.

“We see that all levels of exposure notification uptake levels in the UK and the U.S. have the potential to meaningfully reduce the number of coronavirus cases, hospitalizations and deaths across the population,” ayon kay Christophe Fraser, co-lead authoer ng research.

Sa ngayon may anim na estado na sa Amerika at higit 20 bansa ang gumamit ng exposure notification app.

Ayon sa mga mananaliksik, hindi pa rin pwedeng dumepende ang mga bansa sa tracing apps sa kabila nang nakitang dulot nito.

Nitong Huwebes, inilunsad dito sa Pilipinas ang Stay Safe. Isang contact tracing application na maaaring gamitin ng publiko na pupunta sa iba’t-ibang establisyemento.

Mula kasi nang pumutok ang COVID-19 pandemic sa bansa, ilang establishments ang gumagamit ng fill-up forms para sa tracing.(Reuters)