Pinabubuo ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat ang Department of Agriculture (DA) ng contingency plan sa epekto nang pag-alburuto ng Taal Volcano sa sektor ng agrikultura.
Iginiit ni Cabatbat na bagama’t makabubuti sa nutrisyon ng lupa ang eruption ng Taal Volcano, mas mapinsala naman aniya ang short-term implications nito sa mga magsasaka.
“Volcanic ashfall can kill vegetation immediately, contribute to illnesses for livestock, put animals at risk, and drive affected farmers to bankruptcy,” saad ni Cabatbat.
Sa pagtataya aabot na sa P75.55 million ang halaga ng pinsala sa 752 ektarya ng pananim sa Batangas, bukod pa sa danyos naman sa fishkill.
“According to the BFAR, there are 6,000 cages at risk in the Taal/Batangas area because of the water’s high sulfur content.”
Dahil dito, sinabi ni Cabatbat na makatutulong talaga sa mga magsasaka at mangingisda kapag gamitin ng DA ang Quick Response funds nito.
“Simpleng pagpalit lang ng direksyon ng hangin lalaki na ang area of damage, at makakasama na sa mga pananim at alagang-hayop ng mga magsasaka. If the wind shifts towards Eastern Batangas and Quezon, kailangan nang mahanapan ng alternative source ng zakate ang mga bakahan,” dagdag pa nito.
Hinimok naman din ng kongresista ang Provincial Government ng Batangas na ilaan ang bahagi ng Calamity Funds nito para maagapan ang pag-ani sa mga pananim at isda na mga pupuwede pang anihin.
Pinatutukoy din ni Cabatbat sa lalong madaling panahon ang bilang ng mga apektado nang pag-alburuto ng Taal Volcano.