-- Advertisements --
image 80

Bumuo na ang Bureau of Customs (BoC) ng task group na tututok sa pagbabalik ng mga empty containers sa mga terminal yards at sa mga designated empty container yard depots.

Ayon sa Customs, nagsasagawa na rin sila ngayon ng pag-aaral para maging automated ang monitoring ng paggalaw ng mga containers partikular ang pagbabalik nito sa mga concerned shipping lines para maiwasan ang pagsisikip sa mga imbakan nito.

Kinumpirma rin ng BoC na ang Electronic Tracking of Container Cargo (E-TRACC) ay nanatuling operational para matiyak ang integridad ng paglilipat ng mga containers, at maiwasan na maligaw ang mga ito

Kasabay nito, siniguro naman ng BoC sa publiko na ang kanilang ahensya ay nanatiling nakatutok sa kanilang mandato na pagandahin ang trade facilitation, para makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga stakeholders nito at taumbayan.