Isinusulong ng Department of Transportation ang “contacless at cashless” payments para sa mas maayos, ligtas, abot-kaya, kompotable at episyente na biyahe ang mga Pilipinong commuters.
Personal namang sinubukan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang paggamit ng reloadable payment card na TRIPKO isang cashless payment sa pampublikong sasakyan.
Patuloy naman na isinusulong ng Kagawaran ng Transportasyon ang PUV Modernization Program (PUVMP) at pagtangkilik sa contactless at cashless payments.
Ang mga TRIPKO card ay libreng makukuha at magagamit sa One Ayala Terminal Route 10 para sa Ayala-Alabang, Ayala-Balibago, at Ayala-Biñan (BBL) at iba pang terminal at ruta.
Bilang bahagi ng payment digitalization, ang pribadong kumpanya na Journeytech Inc. nagtayo ng mga booth para card distribution and loading ng TRIPKO cards sa mga terminal.
Magagamit ang TRIPKO card bilang bayad sa pagsakay sa pagsakay sa public utility bus at modernized jeepneys.
Sa ngayon nasa 1.5 million free TRIPKO cards ang naipamahagi sa riding public.
Ang paggamit ng TRIPKO card ay bahagi ng implementasyon ng Automated Fare Collection System (AFCS) na may kaugnayan sa Public Utility vehicle Modernization Program (PUVMP) ng ahensiya.