-- Advertisements --

Pinalawig pa Taguig City government ang kanilang contact tracing tool laban sa COVID-19.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang kanilang Taguig Registry for Assessment and City Engagements (TRACE) ay maaaring gamitin na sa ibang serbisyo gaya ng pagkuha sa mga nais magpabakuna, ilang health benefits at social services.

Nanawagan ito sa mga residente, manggagawa at maging ang mga bibisita sa lungsod na magparehistro para makapag-generate ng QR code.

Maaring gawin ito sa mga cellphone, website applications o sa mga self-service kiosk at sa mga door-to-door registration.

Magiging personal digital identification at health declaration form.

Nakatakda na rin silang makipag-partners sa mga iba’t-ibang establishimento para maging iisa na ang contact tracing.

Malalaman na rin dito ang bilang ng mga interesadong magpaturok ng COVID-19 vaccine.