-- Advertisements --

Inamin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humina sa nakalipas na mga linggo ang contact tracing system sa Pilipinas.

Sa pulong ng House committee on Health, sinabi ni Magalong na ang national contact tracing efficiency ratio ay bumaba sa 1:3 mula sa dating 1:7 sa nakalipas na apat na linggo.

Ayon kay Magalong, kapag ang ratio ay nasa 1:3 lamang, nangangahulugan ito na tanging ang pamilya lamang ng pasyente ang na-contact trace at hindi na ang iba nitong mga contacts.

Isa aniya sa mga dahilan kung bakit humina ang contact tracing system sa mga nakalipas na linggo ay dahil marami sa mga local government units ang bugong gamitin ang uniformed data collection tool ng pamahalaan.

Ilan pa nga aniya sa mga close-contact data ay hindi rin wastong na-encode.