-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kikilos ang Kongreso upang mas maprotektahan ang mga bata laban sa karahasan sa mga paaralan, kasunod ng trahedya sa Ateneo de Zamboanga kung saan dalawang estudyante ang nasawi.

Ayon kay Dy, hindi dapat magtapos sa pakikiramay at panalangin ang tugon ng pamahalaan.

Kailangang suriin ang mga umiiral na batas, polisiya at safety measures upang matukoy kung may mga kakulangan na dapat ayusin.

Bilang ama at lolo, nagpahayag si Dy ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Sinabi rin ng Speaker na dapat ibatay sa facts at ebidensya ang gagawing hakbang ng Kongreso. 

Makikinig umano ito sa mga eksperto, mag-aaral ng mga pag-aaral mula sa ibang bansa, at higit sa lahat, pakikinggan ang mga magulang, guro at kabataan.

Giit ni Dy, kailangang kumilos bago pa mangyari ang panibagong trahedya at tiyaking ligtas ang mga bata habang nasa paaralan.