-- Advertisements --
Sinimulan nang gamitin ngayong araw yung “high tech” na contact tracing application ng Makati City para sa mga pasyente ng COVID-19 sa lungsod.
Sa kasalukuyan kasi ay may 195 confirmed cases sa Makati, pito ang nasawi at 21 ang naka-recover.
Ayon kay Mayor Abby Binay, kahapon nila isinagawa ang test run at maganda naman ang naging resulta nito, kaya pinagamit na nila ngayong araw.
Isinalarawan ito ni Binay na parang virtual nurse at malaking tulong aniya sa pagtukoy ng kalagayan ng mga positibo sa COVID-19 at kanilang mga nakasalamuha.
Malaking tulong umano ito para mapagaan ang trabaho ng surveillance unit ng Department of Health (DoH) at magkaroon ng epektibong monitoring at pagtugon sa kalagayan ng mga infected ng virus.