Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa mga leader ng construction industry para tugunan din ang problema ng kawalan ng trabaho ng mga construction workers ngayong nahaharap ang bansa sa Coronavirus disease 2019 COVID-19) pandemic.
Aniya, kakausapin nila ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DoTr) para ipagpatuloy ang mga naka-tenggang mga proyekto para muling mabuhay ang construction industry sa bansa.
Ang panukala ni Bello sa ngayon ay bawasan ang mechanical force at mag-hire ng mga construction workers at sila ang magtatrabaho.
Inihalimbawa dito ni Bello na imbes backhoe ang gamitin sa paghuhukay sa mga proyekto ay mas maiging mag-hire na lamang sila ng mga construction workers para magkaroon ng trabaho ang mga trabahanteng matagal na ring nabakante sa kasagsagan ng covid pandemic.