Inaprubahan na ng Bicameral conference committee meeting ang consolidated version ng proposed 2023 national budget kalakip dito ang reconciled version ng kamara at senado.
Ang version ng budget na ito ay ipapadala sa plenary ng both chambers kung saan ratipikahan ito ng mga miyembro.
Kabilang sa napagkasunduang provision ay ang pananatili sa P150 million confidential and intelligence fund ng DepEd na una ng tinapyasan ng Senado ng P30 million.
Ayon kay Senate Finance Chair Senator Sonny Angara na kakailanganin ng nasabing ahensiya ang pondo para palakasin ang ilang mga programa.
Ayon sa senador sa 2023 proposed national budget may mga programa na nabawasan ng pondo pero may mga iba na nadagdagan gaya ng programa sa edukasyon, infrastructure projects at iba pa.
Nadagdagan din ang pondo ng DOJ at DILG.
Ang nabawasan ay ang mga special funds.
Samantala, kinumpirma naman ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co na ibinalik nila ang tinapyas na pondo ng NTF ELCAC.
Ngayon balik sa P10 billion ang pondo ng task force para sa 2023 proposed budget.
Una ng tinapyas ng kamara nang P5billion ang pondo ng NTF ELCAC.
Sinabi ni Co na kakailangan ng task force ang nasabing pondo para sa mga development projects sa mga malalayong barangay.
Nagawa ng komite na ireconcile ang Senate and House’s versions ng panukalang pambansang pondo sa loob lamang ng halos dalawang linggo.