conor McGregor
Conor McGregor/ IG post

Labis ang kasiyahan ni UFC champion Conor McGregor ang kaniyang pagkuha ng bagong record matapos talunin si Donald ‘Cowboy’ Cerrone.

Napatumba kasi ng tinaguriang ‘Notorious’ si Cerrone sa loob lamang ng 40 seconds sa UF 246 na ginanap sa Las Vegas.

Dahil sa panalo ay siya lamang ang unang fighter sa UFC history na may knockout victories sa featherweight, lightweight at welterweight.

Hindi kasi ito nanalo mula pa noong November 2016 ng makuha niya ang UFC world Title dahil binigo ito ni Khabib Nurmagomedov noong Oktubre 2018.