Gagamitin ng Kamara ang kanilang oversight powers para magpatawag ng Congressional inquiry hinggil sa mga reklamo laban sa Panay Electric Company (PECO).
Ayon kay Iloilo Rep. Julienne Baronda, kailangan pagpaliwanagin ang Department of Energy at ang PECO ang siyam na magkakasunod na sunog na naitala magmula noong Oktubre 19 hanggang 21 ng taong kasalukuyan.
Hindi aniya ito simpleng bagay na dapat ipagkibit balikat lamang kaya mainam na mabigyan ng linaw ng DOE ang Kongreso kung gaano kaligtas ang operasyon ng PECO.
Nabatid ng kongresista sa report ng Bureau of Fire Protection sa Energy Regulatory Commission na halos kalahati ng mga sunog sa Iloilo City na naitala mula 2014 ay kasama ang mga poste ng PECO.
Baty sa datos, mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019, ay 2,887 fire incidents ang naganap sa Iloilo City kung saan 1,464 dito ay pawang poll fires.
Samantala, umaapela naman si Baronda sa ERC na bilisan ang imbestigasyon sa mga reklamong kinakaharap ng PECO, kabilang na ang sinasabing kapabayaan nito sa kanilang mga consumers.