-- Advertisements --

Pinapalayas ng Democratic Republic of Congo ang tagapagsalita ng United Nation peacekeeping mission, MONUSCO, na lumayas sa kanilang bansa.

Sinabi ni government spokesman Mathias Gillmann na sila ang naging dahilan ng pagkakaroon ng malawakang kilos protesta kaya nararapat umalis na sila sa bansa.

Aabot sa 36 katao kabilang ang apat na UN peacekeepers ang nasawi noong nakaraang linggo matapos na nilang makasagupa ang mga protesters.

Inakusahan kasi ng mga sibilyan ang mga UN peacekeeping mission na pagpapabaya sa kanilang kalayaan.

Nauna sinabi ng UN na kanilang tatanggalin ang kanilang peacekeeping mission pagdating ng 2024 subalit ang nasabing plano ay para mapapabilis ang kanilang pag-alis.