-- Advertisements --
image 302

Nakipag-ugnayan na si Negros Oriental 3rd district Representative Arnulfo Teves Jr. kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, tumawag sa kanya kagabi si Teves mula sa hindi matukoy na lugar o bansa.

Sabi ni Romualdez, nangangamba umano si Teves sa kanyang buhay at sa miembro ng kanyang pamilya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik ng Pilipinas.

Siniguro naman ni Romualdez kay Teves, bilang lider ng Kamara, gagawin niya ang lahat ng paraan para masiguro ang kaligtasan ng mga miembro ng Kongreso.

Inatasan ni Romualdez ang House Sergeant-at-Arms na makipag-ugnayan sa law enforcement agencies at ihanda ang kinakailangang security arrangements sakaling bumalik na ng bansa si Teves.

Muling inulit ni Romualdez, kailangan nang bumalik ng bansa si Teves at mag-report sa Kamara para marinig ang kanyang panig.
Giit ng House Speaker, kung may kaso man siya na kailangang harapin, dapat niya itong harapin dito sa loob ng bansa.