Isinusulong sa Senado ang paggawad ng condonation sa lahat ng loans ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) noong Disyembre 31, 2022.
Kabilang dito ang interes, penalties at surcharges mula sa P14.62 billion loans na iginawad na mga lupaing pang-agrikultura.
Ito ang binigyang diin ni Senate agriculture, food and agrarian reform committee chairman Senator Cynthia Villar sa kaniyang sponsorship speech sa Senate Bill 1850 o ang “New Agrarian Emancipation Act.”
Kapalit ito ng mga panukalang batas na inihain nina Senator Francis Escudero, Imee Marcos, Manuel Lapid, Ramon Revilla Jr., Joel Villanueva at Ronald dela Rosa.
Saklaw ng Senate bill na ito ang dalawang uri ng loans ng ARBs. Una, ang mga ARBs na mayroong agrarian reform receivables account sa Land bank of the Philippines at hindi pa nakukumpleto ang pagbabayd ng kanilang amortization sa principal ,interes at surcharges ng iginawad sa kanilang lupa. Kabilang dito ang 409,206.91 ektarya ng agricultural land na may utang na nagkakahalaga ng Php14.499 billion na babayaran mula sa Land Bank.
Ang Voluntary Land Transfer Scheme at Direct Payment Scheme na nakapaloob sa RA6657 (Section 20 and 21) na mayroong 92,824 ARBs; Land Area na 178,063.95 hectares ma nagkakahalaga ng P199.61M na babayaran mula sa Agrarian Reform Fund.
Lahat ng ARBs naman ay exempted mula sa pagbabayad ng Estate Taxes.
Ayon kay Senator Villar, layunin ng panukalang batas na mapalaya ang mga agrarian reform beneficiaries mula sa pagkakautang sa pamamagitan ng condonation.