-- Advertisements --

Bubuksan ngayong araw ng Japanese Embassy dito sa bansa ang condolence book para kay dating Japanese prime minister Shinzo Abe.

Sisimulan ito ngayong araw hanggang bukas.

Inanunsiyo naman ng embassy na ang signing ng condolence book ay magbubukas dakong alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng katanghalian habang sa hapon ay magsisimula naman dakong alas-2:00 hanggang alas-4:30 ng hapon sa Pasay City.

Ang entrance ng aktibidad ay sa Japan Information and Culture Center.

Sa mga gusto raw bumisita dito ay magdala lamang ng government-issued ID.

Kailangan din umanong magsuot pa rin ng face masks at sumunod sa minimun health protocols.

Kung maalala si Abe na longest-serving prime minister ay binaril habang nagsasagawa ng campaign speech noong Biyernes.

Namatay ito sa edad na 67.