CAUAYAN CITY- Isinagawa ng iba’t ibang sektor sa Baggao, Cagayan ang isang condemnation rally bilang pagpapakita ng pagkondena sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army at National Democratic front (CPP-NPA-NDF).
Bitbit ang mga plakard ay isinisigaw ng mga rayilista ang matinding pagkondena sa makakaliwang grupo kasabay ng pagdedeklara sa kanila bilang persona non-grata.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Enero ay nagkaroon ng sunod sunod na sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng NPA sa mga bayan ng Baggao , Sta. Terisita at Lallo sa Cagayan.
Ang naturang mga sagupaan ay nagresulta ng pagkakasawi nina Sisoy Andel alyas Joel at Paolo Santiago Macaraeg o alyas warren at pagkasugat ng iba pa kabilang si Orion Yoshida alyas Brown.