Reading Time: 1 minute

Inanunsiyo ng bandang Rolling Stones ang pagpapatuloy ng kanilang North American tour.

Kasunod ito ng paggaling mula sa sakit ng kanilang lead vocalist na si Mick Jagger.

Magsisimula ang kanilang “No Filter” tour sa Chicago sa June 21 at 25.

Magkakaroon naman ng panibagong petsa ang ilang lugar kung saan na-postpone ang konsiyerto.

Tiniyak naman ng banda na kanilang tatanggapin ang mga tickets na naunang nabili.

Nauna rito pinostpone ang nasabing concert tour noong Abril matapos na maospital ang 75-anyos na singer noong Marso.