-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ni Lady Gaga dahil hindi natapos ang kaniyang concert.

Napilitang putulin ng mga organizer ng kaniyang Chromatical Ball Tour sa Florida dahil sa banta ng malakas na kidlat.

Nasa huling bahagi na ng kaniyang concert ng biglang nakaranas ng ilang pagkidlat sa paligid ng Hard Rock Stadium sa Miami.

Inanunsiyo nito sa harap ng nasa 65,000 fans na kailangan nilang kanselahin na ang nasabing concert.

Pinayuhan din nito ang fans na mag-ingat sa paglabas at umaasa itong hindi magdudulot ng anumang pinsala ang pagkidlat.

Sa kaniya ring social media account ay humingi ang singer ng paumanhin at pang-unawa sa hindi pagtatapos na ng kaniyang nasabing concert.