-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Canadian singer na si Alanis Morissette na hindi matutuloy ang concert nito sa bansa.

Sa kaniyang social media account, isinagawa ng singer ang malungkot na balita.

Isasagawa sana ang concert nito sa darating na Nobyembre 18 at 19 sa Mall of Asia Arena.

Sinabi naman ng Ovation Productions ang producer ng concert na nagkaroon sila ng logistic problems.

Ang sold-out shows ay bahagi sana ng ika-25 taon ng iconic album ni Alanis na “Jagged Little Pill”.

-- Advertisement --

Tiniyak naman ng singer na kanilang irerefund ang mga nabiling tickets at ito ay muling babalik sa Pilipinas.

Unang itinakda ang concerts noong Abril 202 at ito ay nailipat sa Disyembre 2021 hanggang sa Nobyembre 2022.