BUTUAN CITY – Hindi basta-bastang mapasok ng kahit na ninuman pati na ng pulisya ang compound ng umano’y kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. sa may Sitio Kapihan, Brgy. Siring sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte.
Inihayag ni task force spokesperson Edelito Sangco na ito ang dahilan na walang madadakip ang pulisya sa mga miyembro ng kulto na may kinakaharap na kasong Violence Against Women and their Children o VAWC.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Sangco na nag-ugat ang nasabing mga kaso sa isinampa ng mga asawa ng mga miyembrong hindi na umuwi sa kanilang tahanan dahil pinag-aasawa umano sa kasamahan nilang miyembro din ng kulto.
Isang beses lamang umano kada-buwan lalabas ang mga miyembro sa kanilang compound dahil sa teyoriyang impyerno umano ang nasa labas.
May 3-layered gates umano ang White House na fully guarded ng mga private armies sa nakapalibot na 48 namga guard houses at 24-oras ang monitoring.