-- Advertisements --

Hinimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga bumabatikos sa pamahalaan hinggil sa lumalalang trapiko sa Metro Manila na ihinto na ang panghahamon tulad ng “commute challenge.”

Bagama’t naiintindihan ndaw niya ang mensahe na nais ipaabot ng mga kritiko na ito sa publiko, ang mas mahalaga aniya ay tumulong din ang mga ito sa pagresolba sa problema.

“Hindi naman [pwedeng] araw-araw, we just keep challenging each other sa traffic lang, because we also have to challenge each other sa agriculture, sa health, sa education. But ang point is yung mga plano nakalatag,” ani Cayetano.

Iginiit ng lider ng Kamara na maraming iba pang mga bansa ang nakakaranas din ng problema sa trapiko, na sa kanyang paniniwala ay produkto ng bumubuting ekonomiya ng isang bansa.

Kapag maganda kasi aniya ang ekonomiya, nagkakaroon ng pagkakataon ang publiko na makabili ng mga sasakyan.

Dahil nga sa issue sa trapiko, iginiit ni Cayetano na isinusulong ng pamahalaan ang pag-invest sa subway system, bagong railway system, monorail, at bus rapid transport system.