-- Advertisements --
Ilalagay ang Metro Manila sa ilalim ng common alert level sa ilalim ng panibagong COVID-19 policy ng gobyerno, na sa ngayon ay isinasapinap pa lamang, ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing.
Ayon kay Densing, paraan ito para maiwasan na rin ang pagkumpulan ng publiko sa isang lugar na mayroong mas mababang alert level.
Sinabi ni Densing unanimous ang Metro Manila mayors sa pagsasabi na dapat mayroon lamang iisang alert level sa National Capital Region.
Bukas, Setyembre 13, nakatakdang isapinal ng IATF ang proposed policy na ito, para pagsapit ng Setyembre 16 ay magkakaroon na ng pilot implementation.
Sa oras na maapruabahan ang proposed policy na ito, sinabi ni Densing na tatagal ng dalawang linggo ang pilot implementation para rito.