-- Advertisements --
CHR

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na maipasa ang House Bill 8009 o ang Expanded Anti-Violence against Women and their Children Act (E-VAWC) na naglalayong gawing criminlized abuse ang pang-aabuso sa social media.

Inilabas ng CHR ang pahayag matapos na aprubahan ng Kamara ang House Bill (HB) No. 8009 sa ikalawang pagbasa noong nakaraang linggo, ibig sabihin, isang nominal na boto ang layo para makuha ang pag-apruba ng Kamara.

Sinagi ng nasabing komisyon, ang pagprotekta sa mga karapatang pantao ay nangangailangan ng mga legislative adaption sa mga technological at online na pag-unlad, at ang HB 8009 ay agarang kailangan dahil sa laganap na mga pang-aabuso at pagsasamantalang dinaranas ng kababaihan at mga bata sa mga digital at online space.

Ang HB 8009 ay nagbibigay ng legal na proteksyon na may kaugnayan at tumutugon sa digital age sa kasalukuyan.

Umaasa ang CHR na ang HB 8009 ay makakatulong na mabawasan ang kahinaan ng kababaihan at mga bata sa mga social media platforms.

Tinukoy ng panukalang batas ang naturang pang-aabuso sa internet bilang mga gawaing kinasasangkutan ng hindi awtorisadong pag-record at pamamahagi ng mga larawan, video, at iba pang electronic material na nagpapakita ng mga pribadong bahagi ng kababaihan at mga bata o anumang sinasabing marahas at maling pag-uugali.