-- Advertisements --
image 160

Inihayag ni House Deputy Minority Leader Paul Daza na ang Commission on Higher Education (CHED) ay mayroong P400 milyon na alokasyon mula sa 2021 budget nito na maaaring magamit para pondohan ang karagdagang scholarship.

Sinabi ni Daza, sa isang pahayag, na kinumpirma ito sa kanya ni CHED chairperson Prospero de Vera.

Ang paggamit ng halaga, gayunpaman, ay napapailalim sa pag-apruba ng Department of Budget and Management.

Aniya, aabot sa 12,000 pang mga estudyante sa higher education institutions (HEIs) ang dapat makatanggap ng scholarship mula sa CHED.

Kinilala naman ni Daza si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa paghahanap ng karagdagang halaga para sa scholarship.

Sa kanyang interpellation sa plenary deliberations sa panukalang 2023 budget ng CHED, sinabi ni Daza na ang dating pangulo ay “mediated and assisted” sa ilang talakayan sa CHED para kunin ang pondo.

Makatitiyak naman na ang natukoy na pondo ay gagamitin ngayong taon at ilalaan para sa mahihirap at karapat-dapat na mga mag-aaral, partikular para sa Listahanan.