-- Advertisements --
Rosal and Garbin.jpg

Pinawi ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangamba ng mga Legazpeño na maaapektuhan ang integridad ng kanilang boto sa nakatakdang pagbubukas at mano-manong pagbibilang sa ilang mga balota mula sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Comelec 1st Division sa mosyon ni dating Congressman Alfredo Garbin Jr. na magkaroon ng recount dahil umano sa nasa 7,000 na mga rejected ballots.

Matatandaan na nasa higit 500 lang ang lamang ng kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Geraldine Rosal laban sa dating kongresista.

Ayon kay Comelec Spokesperon Atty. John Rex Laudiangco sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakatakdang kunin ang mga balota mula sa sampung mga barangay sa Legazpi City na sinasabing nagkaroon ng iregularidad.

Ang naturang mga balota ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng treasurer’s office ng lungsod ayon sa nakapalaman sa Omnibus election code.

Hindi kasi maiwasan ng kampo ng nagpo-protesta na mangamba na ang tamang mga balota ang madadala sa Comelec office.

Paliwanag ni Laudianco na kahit pa masira o mawala ang naturang mga balota ay hindi mababago ang resulta ng halalan dahil naka-save ang data sa SD card na nasa pangangalaga ng ahensya at maaaring i-print anumang oras.

Dagdag pa ng opisyal na simula noong 2010, libo-libong protest case na ang hinawakan ng ahensya subalit hindi naman nagkamali ang kanilang mga makina na ginagamit sa halalan.