-- Advertisements --

Naresolba na ng Commission on Elections (Comelec) ang halos karamihan ng naitalang 30 election protest cases sa buong bansa para sa 2022 national and local election.

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, nasa tatlo na lamang ang natitira na election protests dahil na-dismiss na ang lahat dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya at basehan.

Sinabi din ng Comelec Chairman na walang election protests ang naihain laban sa mga elected senators, president at vice president.

Kayat indikasyon aniya ito na hindi lamang ang mga mamamayan ang tumanggap ng naging resulta ng nagdaang halalan kundi lalo na maging sa mga kandidato.

Maaari kasing maghain ng dispute sa pagkakahalal ng sinumang regional, provincial o city official ng parehong posisyon o katungkulan na tinakbuhan ng isang kandidato.

Isa nga dito ang paghahain ng electoral protests noong 2016 ni Pangulong Bongbong Marcos na tumakbo noon sa ikalawang pagkapangulo ng bansa na kumwestyon sa naging Vice presidential result na nagdeklara kay dating VP Leni Robredo bilang panalo.