Itinakda ng Commission on elections (Comelec) ang pagapaptuloy ng overseas voter registration sa Disyembre 9.
Sa Resolution No. 10833 na naglalaman ng rules and regulation sa pagsasagawa ng pagpapatuloy ng voter registration sa ibang bansa para sa May 2025 elections, sinabi ng poll body na maaaring maghain ng applications for registration o certification, transfer of registration records, pagpapalit ng pangalan dahil sa marriage o court order o correction of entries sa Voter’s Registration Record, reactivation, at change of address simula sa Disyembre 9 2022 hanggang Setyembre 30, 2024.
Ang mga magrerehistro ay dapat na Filipino citizens na nasa ibang bansa o magtutungo abroad sa loob ng 30 day voting period at nasa edad 18 anyos sa araw ng halalan.
Maaaring maghain ng aplikasyon sa anumang Post abroad o designated registration centers sa labas ng Post o sa designated registration centers sa Pilipinas na aprubado ng komisyon.
Sa paglilipat naman mula Post sa Local, ayon sa poll body , ang aplikasyon ay dapat na ihain sa loval office ng Election officer sa siyudad, munisipalida o distrito kung saan nais na bumoto ng overseas voters na subject pa rin ng rules and regulations sa local voter registration.
Ayon sa Comelec, maaaring makapag-avail ang mga registered overseas voters na may kumpletong biometric data ng OFOV’s Virtual Frontline Services.
-- Advertisements --