Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang 1,024 na kaso ng overspending sa halalan mula noong taong 2010 at 2013 national at local elections.
Sa pamamagitan ng resolusyong isinapubliko ng poll body, ibinasura ng Commission on Election ang 437 overspending cases mula 2010 national at local elections at 489 overspending cases naman noong 2013 national at local elections kung saan nakabinbin pa rin ang preliminary investigation at resolution.
Ang nasabing mga dismissal ay alinsunod sa kaso ng Supreme Court (SC) na “Joseph Roble Peñas Commission on Election.”
Sa nasabing kaso, hinatulan ng Mataas na Hukuman ang Commission on Election na guilty sa inordinate delay sa pagresolba sa nasabing election case na iniwang nakabinbing resolusyon dahil dito, ibinasura ng korte suprema ang pormal na reklamo sa halalan.
Una na rito, ang nasabing desisyon ang nagtulak kay Commission on Election Law Department Director Maria Norina Tangaro-Casingal na magsumite ng rekomendasyon sa pagbasura sa mga katulad na kaso na kinasasangkutan ng 2010 at 2013 National and Local Elections.