Nagtayo umano ang Commission on Elections (Comelec) ng isang electoral reforms working committee at hihilingin sa kongreso na magpasa ng panukalang batas na papayagan ang mga law enforcement agencies na agad ng arestuhin ang mga vote buyers at mga nagbebenta ng boto.
Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco sa ilalim kasi ng omnibus election code ngayon, anumang may kinalaman sa kampanya kahit pa raw mahuli ay hindi pupwedeng arestuhin o kaya ikulong.
Humahantong lamang daw ito sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.
Ayon sa comelec spokesman, hihilingin daw nila sa kongreso na magkaroon ng exemption pagdating sa vote buying at vote selling ay papayagan ang mga otoridad na agad na arestuhin ang mga violators.
Kabilang pa sa legilative reform na hihilingin ng comelec ay ang criminalization ng nuisance candidates at ang pagpapalawak ng depinasyon ng vote buying at vote selling lalo na at marami na ang pagbabago sa panahon ngayon.