-- Advertisements --
image 271

Nagpahayag ngayon ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na pansamantalan itigil ang pag-imprenta ng official ballots para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay kung maipasa ang isang batas na nagpapaliban sa halalan na gaganapin sa Disyembre 5.

Pero ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, itutuloy pa rin naman daw nila ang pag-imprenta ng halos 92 million ballots o puwede na nila itong ihinto sa sandaling pinirmahan na ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr ang batas na nagpapaliban sa halalan.

Kung maalala, matapos ang pagpirma ng memorandum of agreement (MOA) ng poll body at National Printing Office (NPO) kahapon ay sinimulan na rin ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan sa Disyembre.

Gagamit naman ang NPO ng tatlong printer sa pag-imprenta ng official ballots at target nilang makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw.

Inaasahan naman daw ng komisyon na matatapos na ang ballot printing sa loob ng 30 araw.

Nasa kabuuang 67,061,585 na mga balota ang kailangang iimprenta para sa village voters habang 24,457,363 ballots naman ang iimprenta para sa youth voters.

Kung maalala, niratipikaha na ng Senate at House of Representatives ang bicameral conference committee report kaugnay ng pagpapaliban sa December 2022 elections sa at nais itong isagawa sa huling Lunes sa buwan g Oktubre sa susunod na taon.