-- Advertisements --
Ibinunyag ni House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo na mas mababa ng P845 milyon ang panukalang budget ng Commission on Audit para sa 2023 kumpara sa nakaraang taon.
Ito ang sagot ni Quimbo na siyang budget sponsor para sa COA sa ginawang pagtatanong ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel sa plenary deliberations sa panukalang P5.268-trillion na plano sa paggasta ng administrasyong Marcos.
Aniya, ang pangunahing epekto ng mga pagbaba na ito ay makaaapekto sa operasyon ng 10 provincial satellite audit offices.
Ang administrasyong Marcos ay nagmungkahi ng badyet na P13.168 bilyon para sa independent body.
Bilang tugon, nanawagan si Manuel sa kanyang mga kasamahan na pagsikapan ang pagtaas ng budget ng COA.