-- Advertisements --
Inendorso ng Commission on Appointments (CA) committee on agrarian reform ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
Ang rekomendasyon ay ginawa matapos nag-move si Senador JV Ejercito para sa pag-endorso ng appointment ni Estrella sa plenaryo ng CA.
Ito ay pinangunahan ni Pangasinan 5th District Representative Ramon Guico Jr.
Bago ito, nagpahayag ng suporta sina Senators Cynthia Villar at Francis Tolentino at Congressman Rodante Marcoleta sa kumpirmasyon ng appointment ni Estrella.
Sa pagdinig ng panel ng CA, sinabi ni Estrella na wala siyang tutol sa anumang land conversion hangga’t hindi nadidiligan o irrigated ang kinauukulang lupain.