Tututukan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bago ang nakatakdang kauna-unahang parliamentary elections sa 2025.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, kanilang babantayang maigi ang Bangsamoro sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng halalan para sa Bangsamoro parliament sa susunod na taon.
Liban dito, ipinunto din ng Comelec chair na kanilang bubusisiing maigi ang double at multiple registrations sa bansa.
Ngayong araw ng Lunes, Pebrero 12, nagsimula ang voter registration na magtatagal pa hanggang sa Setyembre 30 , 2024.
Magsasagawa naman ang lahat ng tanggapan ng Comelec ng mga aktibidad para ipagdiwang ang National Voter’s day sa Lunes para i-promote ang kamalayan sa voter registration.
Inaasahang nasa 3 million Pilipino ang madaragdag na bagong mga botante na magpaparehistro sa buong bansa para sa 2025 midte