Papayagang makaboto kahit ang mga COVID-19 patients sa darating na halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa mismong araw ng halalan ay papayagang makaboto ang mga may COVID-19 o may sintomas ng sakit, pero nakahiwalay ang polling precinct ng mga ito.
Sa ganitong paraan aniya ay magagampanan pa rin ng mga maysakit ang kanilang karapatang makaboto, dahil hindi naman dinidiskwalipika isang tao dahil lamang sa pagkakaroon ng COVID-19.
Giit pa ni Jimenez, ang hakbang na ito ay ginawa na nila kamakailan sa plebesito sa paghahati ng Palawan.
Sa nasabing proseso ay naging matagumpay naman umano ang kanilang naging estratehiya.
Pinag-aaralan na rin ng poll body ang paglilimita sa papayagang makapasok sa bawat polling precinct, para masunod pa rin ang umiiral na minimum health protocols.