Tiniyak ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na hindi nila papayagan na mamamayagpag pa ang “one pen voting” sa mga controlled areas partikular sa Autonomous Region ni Muslim Mindanao (BARMM) lalo at napapalapit na ang Barangay at SK elections sa buwan ng Oktubre.
Ito ang inihayag ni Garcia sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations kung saan tinatalakay ang proposed budget ng Comelec para sa fiscal year 2024.
Ang one pen voting ay siyang simula ng pandaraya sa halalan.
Sa naging pagtatanong ni Lanao del Norte Rep. Mohammad Khalid Dimaporo kay Chairman Garcia kung anong mga hakbang na kanilang ipinatupad para hindi na maulit ang tinatawag na one pen voting.
Tugon naman ni Garcia, may mga hakbang na dito ang Comeles at kanilang sisiguraduhin hindi na mangyayari ang nasabing insidente.
Batay sa nakalipas na halalan nagkaroon kasi ng insidente na isang guro ang nagsusulat sa balota.
Ibinunyag din ng chairman ng poll body na ang pag cluster sa mga voting centers sa BARMM ay hindi na rin nila papayagan dahil ginagamit na rin ito ng mga incumbent officials sa pamumulitika.
Suportado ni Dimaporo na dapat dagdagan ang pondo ng Comelec.